Posted September 23, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Ito ay
pangungunahan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa
katauhan ni TIEZA Chief Operating Officer Atty. Guiller Asido at Manila Water
Chairman Fernando Zobel De Ayala.
Ayon sa Boracay
Water, ang bagong planta ay may kapasidad mag linis ng mahigit sa 5-milyong
litro na waste water kung saan pinasiguro nila na ligtas umano ang marine life
sa oras na ilabas na nila ito sa karagatan ng Boracay.
Bago ang
proyekto, inamin ng BIWC na hindi kaya ng Balabag Treatment Plant ang volume ng
used water mula sa mga resort at establisyemento dahilan para itayo ito.
Inaasahan din na
dadalo si Aklan Governor Florencio Miraflores at iba pang stakeholders para
masilip din ang bagong pasilidad na ito.
Ang Manoc-manoc
Sewage Treatment Plant na proyekto ay nagkakahalaga ng P 258 Million ay itaas
umano ang waste water treatment coverage sa Boracay sa 75% mula sa 35%.
No comments:
Post a Comment