Posted September 23, 2016
Ni Alan Palma Sr., Yes FM Boracay
Para sa maayos na
paghawak ng mga kaso na may kaugnayan sa droga, nagsagawa ngayong araw ang Regional
Legal Service Office 6 ng Seminar on Chain of Custody and Issues on the Filling
of Drug Related Cases sa mga kapulisan at ibang enforcers sa Boracay.
Ang seminar na
pangungunahan nina Legal Officers Atty. Ronald Floria at Atty Dennis Gabihan ay
magtatalakay sa tamang paraan ng pag-kustodiya ng mga suspek pagkatapos ng mga
drug-bust operations at legitimate police operations.
Inaasahan din na gagabayan
ang mga kapulisan kung ano ang akmang pamamaraan sa pagsampa ng kaso sa mga
nahuhuling drug personalities na naayon sa batas.
Layunin din ng
seminar na mawala ang agam-agam ng publiko sa mga operasyon na kinasasangkutan
ng mga pulis lalo na at tumataas ang kaso ng mga sa mga legitimate
police operations kontra droga maliban pa sa tumataas din na bilang ng Death
Under Investigation.
Sa mga
isinagawang Senate Inquiry on Extra Judicial Killings, madalas itanong ang POP
o Police Operational Procedures ng mga operatives dahil na rin sa mga umano’y
pagpatay sa mga suspeks dahil sa panlalaban.
Ang seminar na
ito ay dinaluhan ng mahigit isang-daan na partisipante mula sa Boracay PNP,
Task Group Boracay-Phil Army,mga miyembro ng SWAT at PNP Maritime Group.
No comments:
Post a Comment