Posted
September 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ito umano ay para lalo pang mapalakas ang puwersa sa
pagpapaigting ng seguridad sa isla ng Boracay at kaugnay na rin sa nangyaring
pagsabog sa Davao City.
Sa ngayon umano ay katuwang ng BTAC personnel ang mga
field training officers student kung saan itinalaga naman nila ang mga ito sa mga
matataong lugar sa isla.
Nabatid na mas pinaigting ngayon ng BTAC ang kanilang
kampanya sa pagpapatrolya sa Boracay kasama na ang pagsasagawa ng checkpoint sa
ibat-ibang kalsada sa Boracay.
Samantala, nanawagan naman si Baylon sa mga residente at
turista sa Boracay na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga kahina-hinalang
bagay o pangyayari at mga taong may kahina-hinalang ginagawa upang maiwasan ang
anumang insidente.
No comments:
Post a Comment