Posted August 9, 2016
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Itinakda kahapon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
Committee Hearing para sa operasyon ng Tambisaan Port tuwing Habagat Season.
Ito’y pinangunahan mismo ni Vice Mayor Abram Sualog
kasama ang ilang SB Officials na sina Nenette Graf, Loyd Maming at Dante
Pagsuiguron na dinaluhan naman ng Manoc-manoc Brgy. Officials at CBTMPC.
Kasama rin sa dumalo si Senior Transportation Regulation
Officer Cesar Oczon at ang Engineering Office ng Malay at Tourism.
Ayon kay Oczon, napag-kasunduan umano sa nasabing hearing
na hihingi sila ng tulong sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone
Authority (TIEZA) para sa pagsasaayos ng ilang pangangailangan sa nasabing
pantalan.
Maliban dito, napag-usapan din nila ang ilang mga
problema sa Tambisaan kagaya na lamang nang masikip na daungan ng mga bangka
lalo na kung low tide.
Nabatid na kadalasang problema sa nasabing pantalan ay
ang delay ng biyahe ng mga bangka dahil sa pahirapang makadaong at ang
kakulangan ng pasilidad.
Samantala, ang mga ito ay inasahan umano nilang maaayos
sa lalong medaling panahon lalo na ngayon at tuloy-tuloy na ang nararanasang
Habagat sa isla.
No comments:
Post a Comment