Posted August 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inumpisahan nang
hulihin ng Malay Transportation Office ang mga Colurom na motorsiklo na patuloy
paring bumabyahe kahit walang lisensya at permit to transport sa Boracay.
Sa
isinagawang pagsusuri sa pangunguna ni Executive
Assistant Rowen Aguirre ng Office of the Mayor kasama ang MAP at Boracay PNP nahuli
nila ang 28 motorsiklo kasama na ang isang tricycle na sinasabing walang franchise
para bumiyahe dito sa isla ng Boracay.
Sa 28 motorsiklo,
labim-pito dito ang itinawid sa Malay at papatawan ng penalidad dahil sa walang
mai-presenta na mga dokumento katulad ng Permit to Transport habang ang
labing-isa naman ay ikinustodiya sa Boracay dahil sa ibang paglabag.
Ayon kay MTO
Officer Cesar Oczon, ang mga walang
lisensya na mga motorsiklo at permit to transport ay papatawan ng penalidad na
nagkakahalaga ng P2, 500.
Dagdag pa ni
Oczon na pwede namang ibalik sa mga driver ang kanilang mga motorsiklo basta
babayaran nila ang kanilang penalidad at sundin ang mga patakaran na nakapaloob
sa ordinansa ng kanilang opisina ng sa gayon ay hindi rin sila madakip at
mawalan ng trabaho.
Samantala,
patuloy parin ngayon ang ginagawang inspection ng lokal na pamahalaan ng Malay
sa mga lumalabag sa paggamit ng motorsiklo at tricycle.
No comments:
Post a Comment