Pages

Tuesday, August 09, 2016

Aklan RTC Judge branch 7 Domingo Casiple Jr, pinangalanan ni President Duterte na involve sa illegal drugs

Posted August 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isang pangalan lamang ang natawag ni President Rodrigo Duterte na involve sa illegal drugs sa probinsya ng Aklan sa katauhan ni Judge Domingo Casiple Jr. ng Aklan Regional Trial Court branch 7.

Si Casiple ay na-appoint ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2012 bilang Judge matapos din itong magsilibing Assistant Provincial Prosecutor ng Iloilo.

Siya rin ay naging huwis sa Regional Trial Court branch 21 sa Mambusao, Capiz at tubong Lambunao, Iloilo at nag-aral sa Lambunao Institute of Science and Technology kung saan nagtapos naman ng Law sa University of San Agustin taong 1990.

Si Casiple ay kilala sa paghawak ng mga kasong murder at mga malalaking krimen sa RTC Kalibo at RTC Mambusao, Capiz.

Samantala, wala namang mga politiko sa probinsya ng Aklan ang napabilang na sangkot sa illegal na druga base sa inilabas na listahan ng Pangulo nitong Linggo. 

No comments:

Post a Comment