Posted August 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ipapatupad na ang clearing operation sa vegetation area
ng isla ng Boracay sa mga susunod na araw ayon kay Executive Assistant Rowen
Aguirre ng Office of the Mayor.
Sa panayam ng himpilang ito kay Aguirre, ipapatanggal
umano nila ang lahat ng mga lamesa at upaan na makikita tuwing day time sa vegetation
area kasama na rito ang mga beach umbrella, at sound system.
Puwedi naman umanong ilagay ang mga ito umpisa ng ala-5
ng hapon para sa kanilang operasyon tuwing gabi sa vegetation.
Sinabi din nito na bawal ang paglalagay ng mga mini bars sa
nasabing area kung walang special event at walang permit mula sa LGU.
Maliban dito tatanggalin din ang lahat ng mga vendors sa vegetation
may permit man o wala kung saan ilalagay naman ang mga ito sa isang lugar.
Samantala, isa din umano sa kanilang tatanggalin ang mga illegal
commissioners upang hindi na makasagabal ang mga ito at makapanloko sa mga
turista.
Kasama din sa kanilang bibigyan pansin ay ang mga wind
breaker na ginagawang harang ng mga establisyemento sa beach front tuwing habagat
kung saan kinakailangan na ang lahat ng mga ito ay pareho-pareho base sa
standard ng LGU.
Ayon pa kay Aguirre, ang clearing operation sa vegetation
ay isa sa mga tutukan ng administrasyon ni Mayor Cawaling kung saan dapat
malinis umano ito at hindi nakakasabagal sa mga dumadaang turista lalo na sa
mga sasakyan para sa emergency purposes.
Katuwang sa gagawing operasyong ito ang Boracay PNP, MAP
at licensing Office kung saan ang hindi susunod sa kautusang ito ng LGU ay
mahaharap sa kaukulang penalidad.
No comments:
Post a Comment