Posted August 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ilang araw na ang nararanasang malakas na alon at hangin
sa isla ng Boracay dala ng Habagat dahil sa umiiral na sama ng panahon sa
bansa.
Dahil dito may panawagan ang Philippine Coastguard Caticlan
sa publiko at sa mga pupunta sa isla ng Boracay na mag-doble ingat lalo na ang
mga nagbabalak na maligo sa dagat.
Sa panayam ng himpilang ito kay PCG PCO Adan Ayopela,
ipinagbabawal umano nila ang paliligo sa beach front dahil masyadong malakas
ang alon ngunit puwedi naman umanong maligo sa ibang area ng Boracay ngunit
kailangan huwag paring lumayo mula sa dalampasigan.
Sa kabila nito nanatili parin umanong naka-antabay ang
kanilang grupo para e-monitor ang kaligtasan ng mga tao at mga sasakyang
pandagat sa Boracay.
Samantala, sinabi din nito na wala namang silang mga
naitalang maritime incidents o mga nalunod sa isla nitong mga nakaraang araw
dala ng pinalakas na Habagat.
Sa ngayon nanatili namang sa Tabon-Tambisaan ang biyahe
ng mga bangka sa isla dahil sa napakalas na Habagat Season.
No comments:
Post a Comment