Posted August 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by BAG |
“Maayos pero maraming matigas ang ulo.”
Ito ang salitang binitawan ni Executive Assistant IV
Rowen Aguirre matapos ang unang linggong pagpapatupad ng “Oplan Hawan” o
clearing operation sa vegetation area sa Boracay.
Ayon kay Aguirre marami na silang nahuling mga pasaway na
ambulant vendor na patuloy na nagbibinta sa mga ipinagbabawal na lugar sa beach
front.
Sa kaso naman umano ng mga commissioner ay hindi pa ang
mga ito hinuhuli bagkos ay pinagsasabihan muna nila ito base sa ordinansa na
kailangan ay warning muna.
Ngunit kapag hindi pa umano ang mga ito nagsialisan ay
doon na ang mga ito gagawa ng aksyon kung saan mayroon din sila ngayong firm
commitment sa mga asosasyon na kumukuha sa mga commissioner na hindi ang mga
ito bibigyan ng komisyon.
Tinukoy din nito na ang iba sa mga nahuli ay may mga personal
na interest o kung sarili lamang ang tinitingnan kung kayat dito umano sila
magpo-pokus at kung paano nila ito mamimintina.
Samantala, lahat naman umanong mga establisyemento sa
beach front ay tumupad sa ordinansa ng LGU Malay ngunit kailangan lang din
umano nila ng tuloy-tuloy na monitoring dahil sa ang iba ay pa-simple paring
sumusuway.
No comments:
Post a Comment