Posted August 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ilang araw na lamang ay sisimulan na ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) ang implementasyon ng pagpapatupad ng Curfew sa mga
menor-de-edad na pagala-gala mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling
araw.
Sa pahayag ni BTAC Chief of Police Senior Inspector Jess
Baylon sa himpilang ito, sinisimulan na umano nilang pag-aralan kasama ang
Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang ordinansa hinggil
sa naturang Curfew upang masimulan na nila itong ma-implementa sa bayan ng
Malay lalong-lalo na sa isla ng Boracay.
Kaugnay nito, nakapaloob sa nasabing ordinansa ang minor
at child policy kung saan ang menor-de-edad na 18 pababa at ang child policy
naman na edad 15 hanggang 18 anyos ang mga pwedeng hulihin sa oras na simulan
na ang Curfew.
Nabatid na ang sinumang lalabag dito na walang kaukulang
dahilan ay huhulihin ng Malay at Boracay PNP para mabigyan ng karampatang
penalidad.
Samantala, layunin naman ngayon ng bagong Chief of Police
ng Boracay na linisin ang isla sa mga maling gawain kung saan naka-tuon sila
ngayon sa pagsugpo sa kriminalidad at iligal na droga.
No comments:
Post a Comment