Posted August 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inabot hanggang ngayong araw ang pagsisiyasat ng mga
otoridad sa nangyaring drug raid sa Zone 5 Bolabog, Balabag, Boracay kahapon.
Sa pangunguna ng Anti Cyber Crime mula sa Metro Manila ay
isa-isang sumailalim ang 25 nahuling Taiwanese at Chinese national sa mugshot
at fingerprint.
Nakatakda naman ang mga itong dalhin ngayong araw sa
bayan ng Kalibo para sa isasagawang medikal at inaasahang ipipiit sa Bureau of
Jail and Management Penology (BJMP) sa nasabi ring bayan.
Sa record naman ng Bureau of Immigration lumalabas na
kinuha ang mga nasabing Taiwanese at Chinese national ng isang sindikato para
mag negosyo ng mga illegal drugs.
Samantala, nanatiling bantay sarado ng Malay at Boracay
PNP ang area kung saan naganap ang drug-raid kasama ang Aklan SWAT team.
No comments:
Post a Comment