Pages

Wednesday, August 24, 2016

Kalibo nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng dengue sa probinsya

Posted August 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dengueNakapagtala ngayon ang capital town ng probinsya na Kalibo ng pinakamataas na kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan.

Base sa datos na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Response Unit, merong naitalang daan-daang kaso ng dengue sa lalawigan simula noong Enero 1 hanggang nitong Agosto 2 kung saan ang bayan ng Kalibo ang siyang may pinakataas na kaso na umabot sa 119.

Sinundan naman ito ng bayan ng Malay na may 56; Banga, 51; Madalag, 42; at Ibajay, 40, New Washington, 37; Nabas, 34; Libacao at Numancia na may parehong 30 kaso; Buruanga, 26; at Tangalan, 23.

Ang mga bayan naman ng Batan, Malinao at Balete ay may tig-19 na kaso, Makato na may 18, Altavas 12 at Lezo, 10.

Nabatid na ang kaso ng dengue sa Aklan sa unang pitong buwan ng taon ay umabot sa (614) o 72.95-percent na mas mataas sa 259 na kaso ng kaparehong period noong 2015.

Samantala, ang Provincial Health Office (PHO) ay kasalukuyan ngayong nagmo-monitor sa kaso ng dengue sa probinsya.

No comments:

Post a Comment