Pages

Tuesday, August 23, 2016

Basic Sustainable Tourism Awareness, Reception at Tourguiding Seminar isasagawa sa LGU-Madalag

Posted August 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for madalag aklanNakatakdang magsagawa ng dalawang araw na Seminar ang Aklan Provincial Tourism Office (APTO) kasama ang Department of Tourism (DOT) 6 sa bayan ng Madalag ngayong Agosto 30-31, 2016.

Ito ay parte ng Basic Sustainable Tourism Awareness, Reception at Tourguiding para sa mga opisyales at tourism frontliners ng Munisipalidad ng Madalag.

Nabatid na ito ay isang outreach program para sa pagbuo ng isang tourism-oriented workforce ng nasabing bayan na may kaalaman sa pagbigay ng competitive, tourist-friendly na serbisyo sa mga turista na magbibisita sa lugar kasama ang seguridad sa kanilang pupuntahan.

Ang programa ring ito ay naglalayong magbigay ng ibat-ibang oportunidad sa trabaho para sa mga residente at pag-progreso ng bayan.

Ilan naman sa mga magiging topiko sa nasabing seminar ay ang Overview at Introduction sa Turismo, Aklan Tourism Situationer at Sustainable Tourism Awareness.

Samantala, ang mga resource speaker naman ay magmumula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

No comments:

Post a Comment