Posted July 12, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Hanggang 300
gross tonnage na lamang ngayon ang kailangang bigat ng mga ikinakarga sa barge
sa isla ng Boracay base sa itinakdang weight limit ng Boracay Task Force.
Sa inilabas na
resolution No. 1 Series of 2016 ng Office of the Provincial Governor sa
pamamagitan ng Task Force Bantay Boracay (TFBB), dito nagtatakda ng weight
limit na 300 gross tonnage sa anumang barge na dadaong sa isla ng Boracay.
Nabatid na
inilabas ng TFBB ang nasabing resolusyon dahil sa napansin nila na ang
environmental state ng isla ng Boracay at ang underwater marine life nito ay
apektado na dala ng patuloy na construction development sa isla.
Maliban dito apektado
rin umano ang corals and sea floors, na nagreresulta sa negative impact sa
marine biodiversity, triggering imbalance sa underwater ecosystem dala ng pagsadsad
ng malalaking barge sa buhangin ng isla.
Ipagbabawal na rin ang pagdaong ng mga barge sa ibang
area sa Boracay maliban sa Manoc-Manoc cargo area o base sa abiso ng mga
kinauukulan sa tuwing “Habagat” season.
No comments:
Post a Comment