Pages

Saturday, July 16, 2016

Barangay at SK eleksyon gagawing mano-mano- Comelec Aklan

Posted July 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Image result for Brgy. and sk electionMagiging mano-mano umano ang gagawing Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) eleksyon sa Oktubre 31 ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni COMELEC-Aklan Information Officer Chrispin Raymund Gerardo dahil sa ilang buwan nalang umano kasi at isasagawa na ang nasabing halalan.

Ayon dito, gagawin umano ang eleksyon sa pinakahuling Lunes ng Oktubre base naman sa nakasaad na batas.

Kaugnay nito nagsimula na kahapon ang registration ng mga botante na interesadong bomoto sa mga Municipal Election Offices sa probinsya na magtatapos naman sa katapusan ng buwan.

Pahayag pa nito na ang maaari lamang makapag-rehistro para makaboto sa SK ay nasa edad 15 hanggang 30 anyos.

Ngunit nilinaw naman ni Gerardo na ang kakandidato lamang bilang SK Chairman at Kagawad ay dapat nasa edad 18 hanggang 24-anyos sa mismong araw ng eleksyon base sa Republic Act 10742.

Maliban dito ang mga batang nasa edad 15 hanggang 17-anyos ay dapat magparehistro ngunit hindi puweding tumakbo sa anumang posisyon sa SK.

Samantala, tiniyak naman ni Gerardo na handa ang COMELEC-Aklan sa pagsasagawa ng registration.

No comments:

Post a Comment