Posted July 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kasado na ang Municipal Health Office ng Malay sa pakikipagtulungan
sa Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) para sa
programang Oplan “Goodbye Bulate” para sa mga estudyante.
Ayon kay MHO Nurse II Arbie Aspiras, mas mahigpit na rin ang gagawing panuntunan
ng DOH sa pagpapainom ng deworming tablet kung saan hindi bibigyan o papayagang uminom ang sinomang
mag-aaral na hindi busog dahil maging malala ang epekto ng gamot kapag gutom
ang bata.
Kabilang din umano sa hindi bibigyan ng gamot ay ang nagtatae,
malnourished, sumasakit ang tiyan, may allergy at may lagnat o sakit.
Samantala, tiniyak naman ng kagawaran na ligtas at hindi
expire ang ipapainom na mga gamot.
Sinabi pa ni Aspiras na ang pagkakaroon ng bulate ay
nagdudulot para maging malnourished ang mga bata, napipigilan ang kanilang
paglaki at nagiging dahilan nang paghina ng performance sa school. Umano’y ang
mga batang may bulate ay mabagal mag-isip at kulelat sa mga aralin.
Hangad umano nila ngayon na matulungan ang mga bata na
hindi dapuan ng ganitong sakit lalo na at panahaon na naman ng tag-ulan.
No comments:
Post a Comment