Posted July 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong buwan na ng Setyembre ang nakatakdang inagurasyon
ng Manocmanoc 1 Million Liter per-day Sewerage Treatment Plant (STP) ng Boracay
Island Water Company (BIWC).
Ito mismo ang inanunsyo ni Joseph Micheal Santos, General
Manager ng Boracay Water Company (BIWC) sa pagdalo nito sa 2nd Regular Session
ng Malay nitong Martes.
Maliban dito magtatayo din umano sila ng STP sa Brgy.
Yapak sa 2019 sa layunin na magkaroon ang lahat ng Brgy. sa isla ng treatment
plant.
Ayon pa kay Santos maaari umanong mag-operate ng sarili
ang Balabag STP at ang Manocmanoc STP.
Samantala, maaari rin umanong ibato ang exist capacity ng
Balabag sa Manocmanoc kung meron umanong pagkakataon na maluwag pa ito na
puwedi pang e-divert.
Nabatid na puwedi umanong ilihis ang 1.5 Million per-day
ng Balabag sa Manoc-Manoc STP sa sandaling ito ay matapos na.
No comments:
Post a Comment