Pages

Monday, June 06, 2016

British national, lalanguyin ang buong isla ng Boracay

Posted June 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ngayong darating na linggo Hunyo, 12, 2016 ay nakatakdang languyin ng isang British national ang karagatang sakop ng isla ng Boracay sa pakikipagtulungan sa PRC Boracay-Malay Chapter.

Ito mismo ang sinabi ni Richard Macartney sa himpilang ito kung saan nais nitong hamunin ang sarili na languyin ang dagat ng 18.5 kilometers ang distansya mula sa dalampasigan sa buong isla sa loob lamang ng pitong oras.

Ayon kay Macartney  isa itong malaking hamon para sa kanya dahil sa malakas na alon ng isla kung saan bilang paghahanda nito ay sumailalim siya sa training nitong Pebrero kung saan nakapagtala siya ng total record na 365 kilometers o 365, 023 meters na siyang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na gawin ang nasabing hamon.

Nabatid na ang naturang paglangoy ay isang fund raising activity kung saan ang malilikum nitong pera ay ibibigay sa Philippine Red Cross Boracay Malay-Chapter na kanilang magiging pondo kasama na ang pagbibigay ng awareness sa mga kabataan na gustong matutong lumangoy.

Si Macartney ay isang retired company director mula sa United Kingdom na ngayon ay naninirahan na rin sa isla ng Boracay simula pa noong Marso 2015.

Samantala, gaganapin naman ito sa linggo simula ala-6 ng umaga sa beach area ng Nigi-Nigi Station 2 Boracay.

No comments:

Post a Comment