Pages

Tuesday, June 14, 2016

Ordinansa para sa truckers at haulers operation sa probinsya ng Aklan, tinalakay sa public hearing

Posted June 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for public hearingTinalakay sa Public hearing nitong nakaraang araw ang isang ordinansa patungkol sa truckers at haulers operation sa Probinsya ng Aklan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Session.

Ito’y kung saan inire-require sa mga truckers at haulers na lagyan ng takip ang mga dala nilang buhangin, bato at iba pang gravel materials na kinukuha sa ibang lugar ng probinsya para maiwasan umano ang pagkahulog nito sa mga kalsada na nagdudulot ng pagkasira sa daan at insidente.

Kaugnay nito, kung sino man umano ang lumabag nito ay papatawan sila ng penalidad kung saan ang first offense ay pagbabayarin ka ng P1, 000 at second offense naman ay P2,000 at ang 3rd offense P3,000.

Maliban pa dito, isinusulong rin sa nasabing usapin na kunan ang mga ito ng tax.

Sa ngayon ay wala pang pinal na desisyon ang nasabing ordinansa.

No comments:

Post a Comment