Posted June 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Magsasagawa
ngayon ng Mobile Licensing ang National Telecommunication Commission o NTC para
sa isla ng Boracay sa susunod na buwan Hulyo 4-8,2016.
Nabatid na ang
lahat ng mga business establishment na kumukuha ng business purchasing,
selling, leasing, retailing o mga nag-aayos ng sirang cellphone ay
kinakailangang kumuha ng permit at registration certificate mula sa National Telecommunications
Commission.
Samantala, kung
sino man ang hindi maka-kuha ng permit o makapag-renew nito ay bibigyan ng
penalty kung saan kukumpiskahin naman ang mga cellphone unit at radio
transeceiver sets.
Maliban dito, hinihikayat
rin ng NTC ang business at commercial establishment kagaya ng Hotel/Resorts,
Mall at Restaurant owners ng two-way radio transceivers na bisitahin lamang
sila sa Marzon’s Resort Station 3 para kumuha ng kinakailangang permit at
lisensya upang maiwasan ang pag-kumpiska at pagpataw sa kanila ng penalidad.
No comments:
Post a Comment