Pages

Thursday, June 16, 2016

Activation ng BFP Malay inaprobahan na ng Sangguniang Bayan

Posted June 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for bfpHindi na kailangan pang humingi ng tulong sa kalapit na lugar ang bayan ng Malay sakaling magkaroon ng sunog sa nasabing bayan.

Ito’y matapos inaprobahan na ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Resolution No. 038 series of 2016 na nagsasabing maaari ng i-activate ang Fire Safety ng Bureau of Fire sa buong bayan ng Malay.

Sa ngayon ay mayroon na silang limang fire fighters habang lima naman ang kanilang volunteers mula sa Disaster Team.

Sa kabila nito sinabi naman ni Head Officer Marlo Schonenberger ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office na nag-donate sa kanilang property ang LGU Malay ng 400 square meters na lupa kung saan dito itatayo ang Fire Station kasama na ang MDRRMC Office.

Samantala, ang BFP Malay ay isa na ngayong Substation Office ngunit hindi pa malinaw kung magkakaroon din sila ng sariling transaksyon kagaya ng pag-proseso ng mga permit.

No comments:

Post a Comment