Pages

Wednesday, May 18, 2016

Sunog na nangyari sa Boracay, patuloy na ini-imbestigahan

Posted May 18, 2016
Ni Inna CaroL l. Zambrona, YES FM Boracay

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o (BFP) Boracay sa nangyaring sunog kanina sa bundok malapit sa Mt. Luho Balabag, Boracay.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Boracay Investigator F03 Franklin Arubang, alas 10:50 kaninang umaga ng makatanggap sila ng tawag mula sa isang concern citizen sa kanilang himpilan na may nasusunog umano sa nasabing lugar kung saan agad naman nila itong pinuntahan.

Sa pagdating naman umano nila sa lugar ay dito nila nadatnan ang malapad na usok, ngunit bigo nilang maabot ang nasabing area dahil sa mataas na bahagi ng lugar.

Dahil dito, inutusan ng may-ari ng lupa ang kanyang mga trabahador na umigib nalang ng tubig gamit ang baldi para unti-unting masugpo ang apoy.

Nabatid na wala namang bahay o tao ang nadamay sa sunog kung saan tanging mga halaman lang ang apektado nito.

No comments:

Post a Comment