Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kulong ngayon ang
lalaking wanted sa dalawang kaso sa isla ng Boracay matapos itong mahuli sa
Rizal Ibarra, Iloilo City.
Sa pinagsamang
pwersa ng Boracay PNP, Tangalan PNP, Aklan PPO at Iloilo Police Station, nahuli
ang suspek na si Rey June Supremo y Flores, 28-anyos at residente ng nasabing
lugar.
Nabatid na may
kaso itong Frustrated Homicide na may petsang February 18, 2015 at Criminal
case No. 11302 kung saan nag-kakahalaga naman ng P24,000 ang inilaang piyansa
para rito habang ang isa naman ay Violation of Omnibus Election Code to Comelec
Resolution No. 9735 na may petsang May 29,2014 at Criminal case No. 11301 at
may piyansa ring P50,000.
Ang naturang kaso
ay inisyu ni Hon. Judge Nelson Bartolome, Presiding Judge RTC, Branch 8,
Kalibo, Aklan na ngayon ang suspek ay nakatakdang dalhin ngayong araw sa korte
sa Kalibo para sa kanyang karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment