Posted May 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling nananawagan ng pagkakaisa si Division of Aklan Dr.
Jesse Gomez, CESO V Schools Division Superintendent para sa nalalapit na
Brigada Eskwela ngayong Mayo 30 hanggang Hunyo 4, 2016.
Panawagan nito na magtulungan at sama-samang maglinis sa
mga paaralan para sa muling pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 6.
Ngayong taon umano ay may tema ang naturang Brigada
Eskwela na “Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos at Handa Mula sa Kindergarten
Hanggang Senior High School.”
Nais nito na maging handa at maayos ang mga paaralan sa
muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa eskwelahan lalo na at magsisimula na ang
implementasyon ng K to 12 Program.
Ang naturang aktibidad ay kilala rin bilang “National
Schools Maintenance Week,” kung saan ang taunang “Brigada” ay tradisyon sa
pampublikong paaralan bago magbukas ang klase kung saan ang mga education
stakeholders ay nagsasama-sama para sumali at magbigay ng oras at effort sa
pagsisiguro na ang lahat ng public school facilities ay handa na sa pagbubukas
ng klase.
No comments:
Post a Comment