Posted May 18, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Patay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang lalaki matapos
na hindi umano pinagbigyang makipag-sex ng kanyang live-in partner sa Brgy.
Nagustan, Nabas, Aklan kagabi.
Nakilala ang biktimang si Joseph Baladjay 36-anyos at
isang bouncer.
Ayon sa live-in partner nito na si alyas Precious, bago
umano mangyari ang insidente ay nag-iinuman pa silang dalawa kung saan bigla
nalang umano itong nagalit.
Dagdag pa nito, niyaya umano siya ng biktima na
makipagtalik ngunit tinanggihan niya umano ito dahil sa nararamdamang pagod sa
katawan.
Sinabi pa ni Precious na nakita umano nito na naglagay ng
lubid ang kanyang live-in partner sa kanilang kwarto pero hindi naman niya ito
pinansin kung saan sa pagbalik nito ay naka-lock na umano ang pintuan at hindi
na mabuksan.
Dahil dito, sinundo ni Precious ang kapatid ng biktima
para buksan ang kwarto kung saan dito na tumambad sa kanila ang nakabitay na biktima.
Mabilis namang naisugod ang biktima sa Ibajay District
Hospital ngunit hindi kalaunan ay dinala din ito sa isang hospital sa bayan ng
Kalibo subalit idinikara itong dead on arrival.
No comments:
Post a Comment