Posted May 17, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Balik na sa Regular Session ang Sangguniang Panlalawigan
(SP) Aklan, bukas araw ng Miyerkules matapos ang National at Local election
nitong Mayo 9.
Ayon sa SP Office, kahapon umano ay nagkaroon sila ng
Committee hearing na kabilang sa mga tatalakayin sa 16th regular session bukas.
Samantala, magkakaroon naman ng Oath taking ang mga
bagong halal na Sangguniang Panlalawigan sa Hulyo 1, 2016.
Nabatid na kabilang sa bagong set ng SP sa Eastern side
ay sina Ampod Neron at Atty. Emmanuel Nolly Sudosta habang sa Western side
naman ay si Engr. Miguel Miraflores at
Jay Tejada.
No comments:
Post a Comment