Pages

Wednesday, May 04, 2016

Boracay PNP, handa na sa liquor ban bago ang eleksyon sa May 9

Posted May 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for liquor baNHandang-handa na ang Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC) sa liquor ban na ipapatupad para sa May 9, 2016 elections.

Nabatid na isang araw ang nasabing Liquor ban na mag-uumpisa sa May 7 ng alas-12 ng umaga at magtatapos naman ng May 8 alas-11:59 ng gabi.

Ayon kay Deputy Director Police Inspector Jose Mark Gesulga ng Boracay PNP, nag-pulong na umano sila kasama ang Comelec Malay sa pangunguna ni Chrispin Raymund Gerardo, Malay COMELEC Election Officer sa pagbibigay ng instruction hinggil sa liquor ban na ipapatupad bago ang eleksyon.

Nabatid na ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-alok ng nakakalasing na inumin sa mga establisyemento kung saan ang tangi lamang umanong makakabenta nito ay yaong mga nag-apply sa Comelec para sa liquor ban excemption.

Samantala, hinihintay naman ngayon ni Gesulga ang Comelec Malay para sa final briefing ng liquor ban at Oplan baklas na ipapatupad ng mga kapulisan.

Paalala naman niya ngayon sa mga establisyemento na kumuha na ng kanilang permit upang sa araw ng kanilang paglilibot ay hindi na sila huhulihin.

Kung saan kung wala silang maipakitang permit dito ay hindi lang umano ang umiinom ang kanilang huhulihin kundi pati narin ang may-ari ng tindahan.

No comments:

Post a Comment