Pages

Thursday, May 05, 2016

Total registered voters sa Malay ngayong election 2016 umabot sa mahigit 33 libo

Posted May 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Image result for votersKabuuang 33, 815 ang bilang ng mga rehistradong botante sa bayan ng Malay ngayong 2016 para makaboto sa National and Local Election.

Ito ay base sa datos ng Comelec Malay Office na pinamumunuan ngayon ni Comelec Aklan Provincial Information Officer Chrispin Raymund Gerardo kung saan tumaas ito ng ilang libo kumpara noong nakaraang eleksyon.

Dito makikita na ang isla ng Boracay na kinabibilangan ng tatlong brgy. ang may pinakamaraming botante kumpara sa mainland Malay na may labin apat na brgy.

Sa datos na naitala simula noong Nobyembre 2015 ang Brgy. Manoc-Manoc sa Boracay ang may pinakamataas na bilang ng mga botante kung saan umabot ito sa 10, 961, sinundan naman ng Brgy. Balabag na may 7, 191; Caticlan na 4, 802 at Yapak na 3, 470.

Maliban dito, ang ilang lugar sa mainland Malay ay mayroon namang mga botante na isang libo pababa.

Samantala, hindi naman matiyak ng Comelec Malay kung ang lahat ng bilang ng mga botante ay makakaboto sa darating na halalan.

No comments:

Post a Comment