Posted May 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Prayoridad na umano ngayon ng Boracay PNP na mabigyan ng
pansin ang preparasyon para sa nalalapit na national and local election sa Mayo
9, 2016.
Ito ang sinabi ni Senior Inspector Nilo Morallos ng
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) matapos ang kanilang matinding
ginawang seguridad noong kasagsagan ng LaBoracay event.
Sinabi nito na kahit tatlong baranggay lamang ang mayroon
ang Boracay ay pananatilihin umano nilang maayos at patas ang seguridad sa
halalan lalo na at sa Boracay ang may pinakamataas na bilang ng mga botante sa
buong Malay.
Maliban dito nagkaroon na rin umano ang mga kapulisan ng
ibat-ibang klaseng pagsasanay para sa posibleng mangyari sa halalan kagaya ng
bomb scare.
Samantala, nakatakda rin umanong inspeksyonin ni Morallos
ang mga presento sa isla kung saan gaganapin ang halalan kagaya ng pag-monitor
sa Voting Counting Machine (VCM).
No comments:
Post a Comment