Posted February 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit Rb Bachiller |
Ikinaalarma ng mga tao sa Bolabog Beach ang biglaang
pagsiklab ng poste ng kuryente sa nasabing lugar bandang alas-3 kaninang hapon
kung saan isang bahay ang naapektuhan.
Sa pagresponde ng mga bombero naabutan sa lugar ang
umaapoy na poste ng kuryente kung saan sa baba nito ay isang bahay at doon bumagsak
ang apoy hanggang sa bahagyang nasunog ang bubong nito na yari sa cogon grass.
Mabilis naman itong naapula ng mga residente sa lugar
gamit ang fire extinguisher na siyang nakatulong para hindi kumalat ang apoy
gayon din ng mga bombero.
Ngunit sa kabila nito apektado naman ang isang puno ng
niyog matapos na tangayin papunta doon ang baga dahil sa sobrang lakas ng
hangin dulot ng Amihan.
Samantala wala namang nasaktan sa nangyaring sunog na
idiniklara namang fire-out bandang alas-4:40 ng hapon.
No comments:
Post a Comment