Posted February 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ganito kung ilarawan ni SB Member Floribar Bautista ang
ilang single motorcycle sa isla ng Boracay matapos nitong makakuha ng mga
impormasyon na may ganitong kaso sa isla.
Sa 8th Regular SB Session ng Malay nitong
Martes, sinabi ni Bautista na marami na ang pumapasok na motorsiklo sa Boracay.
Ipinagtataka din nito kung saan nagmumula ang mga
nasabing special at pekeng permit for transport ng mga single na motor.
Dahil dito pinapapa-imbestigahan ni Bautista sa Committee
on Governance ang nasabing pamemeke at
kung sino ang nasa likod nito na maaari umanong maharap sa subordination.
Kaugnay nito sinabi naman ni SB Member at Chairman ng
Committee on Transportation na si Leal Gelito na may nahuli na rin noong
nakaraang administrasyon dahil sa nasabing pamemeke.
Samantala, maliban dito inaalam na rin ngayon ng konseho
kung ilan lahat ang single motorcycle sa Boracay na mayroong mga permit.
No comments:
Post a Comment