Posted February 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinatayang nasa mahigit anim na raan ang sakay na
pasahero ng MS Seven Seas Voyager na dadaong sa isla ng Boracay bukas araw ng
Biyernes.
Alas-7 ng umaga ang arrival ng naturang cruise ship mula
sa Kota Kinabalu Malaysia patungong Boracay bago tumulak ng Maynila ng alas-5
ng hapon ng kapareho ring araw.
Nabatid na ang barko ay mayroong tatlong daan at
limampung crew kung saan ilan sa mga ito ay mga Pinoy.
Ang MS Seven Seas Voyager ay ang ikalawang pagkakataon na
bibisita sa Boracay kung saan nauna itong dumaong sa isla noong Huwebes Santo
ng nakaraang taon.
Samantala isang island hopping activity ang nag-aantay sa
mga pasahero nito sa Boracay bilang isa sa kanilang mga itinerary kung saan
karamihan naman sa mga ito ay ipapasyal sa white beach ng isla.
No comments:
Post a Comment