Posted January
8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Google.com |
May plano na umano ngayon ang Municipal Auxiliary Police
(MAP) at Municipal Tourism Office ng Malay sa umano’y mga gay prostitute sa
isla ng Boracay.
Ayon kay Retired Army Edwin Bernesto at Post Commander
Station ng MAP sa beach area, napag-usapan na umano nila ang mga plano tungkol
sa mga ito na makikita sa beach area tuwing gabi.
Ito umano ay kaugnay sa sunod-sunod na reklamo na
natatanggap ng mga otoridad laban sa mga sinasabing gay prostitute na
nagha-harass ng mga lalaking foreigner sa Boracay.
Sinabi naman ni Bernesto na dapat bigyan ng random
checked-up ang mga nasabing bading sa ginagawang hindi kanais-nais sa mga
turista.
Nabatid na nito umanong nakaraang linggo ay nakatanggap
ng reklamo si Bernesto kung saan isang foreigner ang tinambangan ng dalawang
bading at pinlit na sumama sa kanila ngunit sa pagtanggi umano nito ay
pinag-hahalikan siya sabay tangay ng kanyang wallet.
Samantala, ang planong ito ay nakatakdang muling
pag-usapan ng LGU Malay, Boracay PNP, MAP at Mtour Malay sa pagsugpo sa
ginagawang kabalastugan ng mga sinasabing gay prostitute sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment