Posted January 13, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nakalatag na ang schedule sa ibat-ibang aktibidad ng St.
John the Baptist para sa Kalibo Ati-atihan Festival.
Ayon kay Father Boy Quan, ang mga schedule na idadagdag
umano nila ay para mabigyan ng pagkakataon ang ibang deboto ng Santo Niňo na
makapagsimba.
Uumpisahan umano ito bukas January 14 ng hapon kung saan
gaganapin ang “Pagdayaw” sa harap mismo
ng simbahan na pangungunahan ng mga diocesan youth.
Habang sa January 16 naman disperas ng kapistahan ay ipagdiriwang ang “Dawn Penitential Procession” alas 4 ng umaga at
susundan ito ng misa alas 9:30 ng umaga, kasabay nito sa pagpatak ng alas 11
ang binyag ng mga bata at sa alas 12 naman ang “ Hornada” na susundan ng Vesper
Mass.
Sa araw naman ng Linggo araw ng kapistahan ng Santo Niňo
alas 4 hanggang alas 5 ng hapon ay may misa at pagpatak naman ng alas 6:30 ay
ang pagpapalabas ng mga santo sa labas ng cathedral kung saan gaganapin ang
pilgrim mass.
Gayundin, susundan din ito ng misa ng alas 12 ng hapon
hanggang alas 2 para sa prosisyon ng mga santo, alas-4 naman hanggang alas-7 ng
gabi ay may misa at pagdating ng alas-8 ang closing ng Liturgical Celebration,
Thanksgiving at sadsad para sa paghatid ng santo sa simbahan.
No comments:
Post a Comment