Posted January 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Itinanggi ngayon ni SB Member Rowen Aguirre ang alegasyon
sa umanoy pagkasira ng corals sa isla ng Boracay dahil sa pagdating ng Yellow
Submarine sa isla mula sa Cebu.
Ito’y matapos ang privilege speech ni SB member Frolibar
Bautista sa SB Session kahapon kung saan sinabi nito na may natanggap umano
siyang balita na may area sa Boracay na mayroong corals ang nasira dahil sa
nasabing submarino.
Ayon naman kay Aguirre wala umano itong katutuhanan dahil
unang-una wala umanong corals sa area kung saan ngayon ang Submarine.
Kaugnay nito, pinabulaan din ni SB member Jupiter Gallenero
na siyang chairman ng committee on tourism ang nasabing isyu matapos ang
ginawang pagsusuri ng mga marine biologist sa area.
Ngunit sa kabila nito, iginiit pa ni Bautista na kaya
umano umalis sa Cebu ang Yellow Submarine ay dahil sa mga balita-balita doon na
nasisira nito ang mga coral reefs sa karagatan.
Nabatid na ang Yellow Submarine ay sinasabing
mag-ooperate sa Boracay para sa mga turista ngunit wala pa itong signal mula sa
Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) dahil sa kakulangan pa ng dokumento.
Sinong marine biologist?
ReplyDelete