Pages

Wednesday, January 13, 2016

"Zero crime" sa Ati-Atihan target ng Aklan PNP

Posted January 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kalibo ati-atihan 2016“Zero crime rate”.

Ito ang target ngayon ng Aklan PNP sa kasagsagan ng selebrasyon ng Ati-Atihan Festival sa bayan ng Kalibo na nagsimula nitong Enero 8 at magtatapos sa araw ng Linggo.

Sa isinagawang conference nitong nakaraang araw, ipinag-utos ni Chief Superintendent Bernardo Diaz, director ng Police Regional Office 6 (PRO-6) sa Aklan Police Provincial Office (APPO) na gayahin umano ang taktika sa seguridad ng PNP sa Major Event Security Framework” (MESF) security preparation  sa pakikipagtulungan sa pamahalaan at sa ibang law enforcement agencies.

Nabatid na magtatalaga ng mga karagdagang pulis mula sa ibat-ibang bayan sa Aklan pati na rin sa PRO-6 para sa pagpapatupad ng seguridad sa kapistahan ni Sr. Sto NiƱo.

Napag-alaman naman na ilalagay ang mga police sa mga pangunahing kalsadahin sa Kalibo, simbahan, mga terminal ng sasakyan, shopping mall at iba pang mga matataong lugar.

Samantala, kabilang din sa pag-tutuunan ng mga pulis ay ang pagbabantay ng trapiko kung saan inaasahang magbubuhol-buhol ito dahil sa dami ng tao kabilang na ang pagbabantay sa mga mapagsamantalang magnanakaw.

No comments:

Post a Comment