Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayon palang ay punuan na ang mga hotel sa bayan ng
Kalibo para sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival 2016 bilang pakikiisa sa
kapistahan ni Sr. Santo Niño sa Enero 8 hanggang 17.
Halos lahat na ng hotel sa nasabing bayan ay naka fully
booked na dahil sa marami na ang nagpa-reserve na mga turista at mga
balikbayan.
Maliban dito inaasahan ngayong taon ang libo-libong deboto
at mga bisita na makikisaya sa nasabing “week long” celebration.
Ilan naman sa mga aabangan sa Ati-Atihan ay ang Sad-Sad
panaad, Higante Contest, Kainan sa Plaza, Paeapak, street dancing at ang Tribal
dance contest sa araw ng Sabado.
Ang Ati-Atihan Festival ay taunang ginagawa tuwing ikatatlong linggo sa buwan ng Enero bilang pagbibigay pugay sa kapistahan ni Sr. Sto Niño.
No comments:
Post a Comment