Posted January 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kulong ngayon sa
Boracay PNP ang anak matapos itong ireklamo ng panggugulo ng kanyang sariling
ama sa Sitio Bolabog, Balabag, Boracay, Malay, Aklan.
Ayon sa mga pulis
ng Boracay PNP, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concern citizen
na merong isang lalaki na kinilalang si Edward Talaga 28- anyos residente ng
Ambulong Boracay na nanggugulo sa nasabing lugar na naka-inom at naka-hubad
habang may hawak na kutsilyo.
Nabatid na
mismong ang ama nito ang nagturo sa mga kapulisan na arestuhin ang kanyang anak
dahil sa ginagawang pag-iiskandalo sa lugar.
No comments:
Post a Comment