Posted January 6, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Naglabas na ng panuntunan ang Aklan Provincial Tourism
Office (APTO) para sa Higante Contest ngayong Huwebes para sa Kalibo Ati-Atihan
Festival 2016.
Sa kalatas na inilabas ng APTO, gaganapin ang Higanti
parade sa Enero 14 ng ala 1:00 ng hapon kung saan may tema itong “Eco friendly
Ati” na nagsisimbolo ng pagmamahal sa ating inang kalikasan o “Mother Earth”.
Nabatid na 17 Higante ang magpapagandahan sa kanilang mga
desinyo na yari mula sa ibat-ibang produkto ng mga bayan sa probinsya.
Ang mga mananalo sa nasabing kumpetisyon ay tatanggap ng
cash at plaque of awards at ang mga hindi naman papalarin ay makakakuha ng
consolation prize at plaque of recognition.
Maliban dito magkakaroon naman ng “Sangkalibong Tamboe at
Float Parade” sa Enero 11 ala 1:00 ng hapon habang ang “ Balikbayan Night” ay
sa Enero 15 ng alas-7 ng gabi sa ABL Sports Complex.
No comments:
Post a Comment