Posted January 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos makailang beses ng ipinatawag ng SB Malay
ang mga kinauukulan nito ngunit hindi ito dumadalo sa halip ay nagpapadala lamang
sila ng represintante.
Dahil dito nais ng SB Malay na sa huling pagkakataon sa
susunod na Session ngayong Martes ay dapat ang mga kinauukulan na ang siyang
dadalo rito para pag-usapan ang patuloy na problema sa operasyon ng mga bangka sa
Jetty Port.
Sa ika 1st Regular Session ng Malay para sa
taong 2016 kahapon, muli na namang tinalakay ni SB Member Rowen Aguirre ang
siyang problema sa mga bangka kung saan marami umano itong natatanggap na
balita at reklamo mula sa mga pasahero at turista na nahuhuli sa kanilang
flight dahil sa sistema ng operasyon ng mga bangka sa Boracay.
Sa usaping ito nais ngayon ng SB Malay na pag-usapan ang
nasabing problema kasama ang talagang namamahala sa tatlong tanggapan upang
agad na masolusyon ang lumalalang problema sa Jetty Port.
No comments:
Post a Comment