Posted January 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Halos hindi na mahulugan ng karayom ang bayan ng Kalibo sa
sobrang dami ng tao kaugnay sa selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan
Festival 2016 na magtatapos nitong Linggo.
Ito’y dahil na rin sa Aklan Higante Contest na isinagawa
kaninang ala-ona ng hapon kung saan naging agaw atraksyon naman ito sa mga
manunuod lalo na sa mga turista.
Labin-isang pigura ng Higante ang inabangan ng mga
manunuod mula sa ibat-ibang bayan sa Aklan na may temang “Eco Friendly Ati”.
Present naman ang mga Alkade ng 16 anim na bayan sa Aklan
para saksihan ang programa na ginanap sa Pastrana Park sa bayan ng Kalibo.
Kaliwat-kanan naman ang street dancing o “sad-sad” sa mga
major streets ng bayan ng Kalibo na kinabibilangan ng ibat-ibang grupo at mga
paaralan sa probinsya.
Samantala, sa darating na Sabado naman ang highlight ng
naturang event kung saan mahigit sa 20 tribo ang kasali sa patimpalak suot ang
kanilang Ati Tribal costume habang sa araw ng Linggo naman ang kapistahan ni
Sr. Sto Niño kung saan isang high mass ang isasagawa sa harap ng Kalibo
Cathedral.
Ang Ati-Atihan ay kilala sa tawag na “Mother of All
Philippine Festival” na ginanap tuwing ika-tatlong linggo sa buwan ng Enero.
No comments:
Post a Comment