Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi pa maaaring makapag-operate ang Yellow Submarine sa
isla ng Boracay na galing Cebu dahil sa kulang pa umano ito sa requirements.
Ito ang sinabi ni BRTF o Boracay Redevelopment Task Force
Secretary Mabel Bacani, matapos ang kanilang ginawang preliminary assessment kasama
ang ilang mga kinauukulan.
Ayon kay Bacani, pinag-uusapan pa umano rito ang security
at ang areas para sa operation ng naturang submarino.
Sinabi din nito na ipinatawag nila sa assessment ang mga
private sector sa Boracay kasama ang Boracay Action Group at Boracay Foundation
Inc. (BFI) para makuha din ang kanilang reaksyon sa ninanais na pag-operate ng
submarine sa Boracay.
Nabatid na kung sakali naman umanong maaprobahan ang
operasyon nito ay mag-ooperate ito sa Balinghai at Diniwid area sa Boracay.
Ang Yellow Submarine ay sinasabing bubuksan para sa mga
turista bilang isang dagdag atrakasyon sa turismo ng isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment