Posted December 25, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ayon kay Head Officer Marlo Schonenberger ng Municipal
Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay at dating PRC-Administrator, nagtutulungan ngayon ang kanilang opisina
kasama ang Municipal Social Welfare and Development
Office (MSWDO), Department of Social and
Welfare Development (DSWD) , Philippine Red Cross (PRC) at Local Government
Unit ( LGU) Malay para mabigyan ng pansamantalang tulong ang mga nabiktima ng sunog.

Sinabi pa ni Shconenberger, kung sino ang mga gusto pang tumulong sa
mga taong nasunugan ay pwede nilang ideritso sa opisina ng MSWDO.
Samantala, patuloy
naman ngayon ang ginagawang pag-imbestiga ng Bureau of Fire Protection Unit
(BFP) Boracay kung saan nagsimula ang sunog at kung ano ang dahilan nito.
No comments:
Post a Comment