Pages

Tuesday, December 15, 2015

Biyahe ng mga bangka sa Boracay nanatiling suspindido

Posted December 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nananatili umanong suspindido ang biyahe ng mga bangka sa Boracay ayon kay Lt. Edison Diaz Commander in Chief ng Philippine Coastguard-Caticlan.

Ito’y dahil sa nagbabadya parin ang sama ng panahon dulot ng bagyong Nona kung saan isa ang lalawigan ng Aklan sa apektadong lugar sa Visayas.

Ayon kay Diaz, hindi pa nila matiyak kung maibabalik na nila ang biyahe ng mga bangka dahil sa masyado pa umanong malakas ang alon kung saan mas minabuti naman ng mga boat operator na itago pansamantala ang kanilang mga bangka upang hindi maapektuhan ng malakas na hampas ng tubig dagat.

Sinabi nito na kung sakaling hindi pa maging mahinanahon ang karagatan ay wala pang tiyansa na makapaglayag muli ang mga bangka.

Nabatid na mahigit sa isang daan na umano ang mga na-stranded na pasahero sa Cagban at Caticlan Jetty Port simula ng itigil ang biyahe ng mga bangka ala-6 kagabi kung saan nadadagdagan pa ito ngayon.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Diaz ang publiko na may balak tumawid ngayon mula at papuntang isla na iwasan muna ang magtungo sa mga pantalan dahil sa wala namang operasyon ang mga bangka at makakadagdag lamang sila sa mga naantalang pasahero.

No comments:

Post a Comment