Posted
December 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patay na ng makarating sa isang pagamutan ang isang lalaking
empleyado ng isang hotel sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos siyang malunod kaninang umaga sa station 1
Boracay kung saan hindi na rin ito nakaabot ng buhay sa isang pagamutan.
Ayon sa isang nurse ng Boracay Action Group (BAG),
nakatanggap umano sila ng tawag kaninang alas-12:31 ng tanghali na merong may
nalunod sa beach front station 1.
Dito agad na nirespondihan ng BAG ang naturang lugar kung
saan naabutan nila ang biktima na wala ng malay at sinusubukang e-revive ng
isang foreigner at ng rumispondeng lifeguard.
Sa tulong ng BAG agad na naidala sa Alert Medical Clinic
(AMC) sa Boracay ang naturang biktima na kinilalang si Alvin Baluyot ng Caloocan City at
nasa edad-26-anyos.
No comments:
Post a Comment