Posted November 27, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinaalalahanan ngayon ni Island Administrator Glenn
Sacapaňo ang mga walang permit na nagso-solicit sa ibat-ibang establisyemento
sa Boracay.
Ito’y kaugnay sa ginawang operasyon ng Department of
Social Welfare and Development (DSWD) ng Malay kung saan hinuli ang mga Badjao na
pagala-gala sa beach area para humingi o manlimos sa mga turista.
Kaugnay nito sinabi ni Sacapaňo, na dapat ay tingnan ng
mga business establishment sa Boracay kung may mga permit ang mga nag-aabot sa
kanila ng solicitation letter para hindi sila mabiktima ng mga sinasabing modus.
Sinabi pa nito na nalalapit na ang araw ng kapaskuhan
kung kayat dapat tingnan umano ng mga ito kung mayroon silang Brgy.
Certificate, Indigent Certificate mula sa DSWD at kung ano ang purpose nito.
Samantala nag-paalala naman ito sa mga tao sa Boracay na
itawag agad kung meron silang malaman na nagsoso-solicit na walang permit upang
maiwasan at agad na maaksyonan ang mga ganitong pangyayari dahil sa nauuso na
umano ngayon ang mudos hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment