Posted November 27, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kaluslus ang gumising sa isang Panameña National na ninanakawan
ang kanyang inuupang hotel room habang siya ay natutulog sa Sitio Bolabog,
Balabag, Malay, Aklan.
Sumbong ng biktimang si Elizabeth Yevtushenko 31- anyos
sa Boracay PNP, bigla umano siyang nagising at nakita nito na may isang lalaking
tumatangay ng kanyang mga gamit sa loob ng kwarto.
Dito mabilis na sinundan ng biktima ang tumatakas na
suspek ngunit bigo niya itong maabutan dahil sa mabilis itong kumaripas ng
takbo sa madalim na bahagi ng lugar.
Dahil dito agad na sinuri ng biktima ang kanyang mga
gamit at doon nadiskborehan nito na nawawala na ang kanyang Samsung Galaxy
Note, Iphone 5, Samsung Galaxy Tab 4, at perang nagkakahalaga ng P2, 500 na nakapatong
sa kanyang kama.
Maliban dito tinangay din umano ng magnanakaw ang gamit
ng kanyang kaibigan na nakapatong sa sofa na kinabibilangan ng Ipod, Cellphone,
Atm card at cash na P2, 000.
Napag-alaman na ginamit ng suspek ang entrance door ng
naturang kwarto kung saan ayon sa biktima nakalimutan din niya itong isara bago
matulog.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay
PNP, sa panibagong kaso ng nakawan sa Boracay.
No comments:
Post a Comment