Posted November 26, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Binalot ng takot ang isang hotel sa Station 3, Brgy.
Manoc-manoc Boracay, Malay, Aklan matapos makatanggap ng pagbabanta mula sa
sinasabing NPA.
Sumbong ng Front Officer Supervisor ng naturang hotel sa Boracay PNP, hawak
umano ng kanyang staff ang kanilang company phone ng makatanggap ito ng tawag
mula sa isang lalaki na hinahanap ang kanilang Manager at humihingi ng tulong
pinansyal.
Sinabi pa umano ng nagpakilalang NPA na si certain
“kumander Andy” na nasa labas umano ng hotel ang iba nitong mga kasamahan at nakaporma
na, at kung hindi umano sila bibigyan ng pera ay magsasagawa sila ng pag-atake.
Samantala, ang kaso ay ini-refer na sa Intel Section ng
Boracay PNP para imbestigahan kung sino ang nasa likod ng nasabing pananakot na
nagpakilalang NPA.
No comments:
Post a Comment