Pages

Thursday, October 01, 2015

Ilang area sa Yapak Boracay binaha dulot ng Low Pressure Area

Posted October 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinasok ng hanggang bewang na tubig baha ang ilang kabahayan sa Yapak Boracay kaninang madaling araw partikular sa Sitio Ilawod dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Base sa mga may-ari ng apektadong bahay ito umano ang kauna-unahang pagbaha sa kanilang lugar kahit na mababa ang kanilang area.

Nabatid na wala umanong drainage system sa apektadong lugar dahilan para walang madaluyan ang tubig papalabas ng dagat.

Samantala, pinaniniwalaan naman ng mga ito na galing sa mga ginagawang development sa taas ng bundok ang tubig na dumadaloy papunta sa kanilang mga tahanan.

Samantala, hiniling naman ng mga apektadong pamilya sa Local Officials ng Malay at sa mga kinauukulan na sana ay mabigyang ng pansin ang kanilang problema.

Napag-alaman na maging ang mga paaralan sa Yapak ay pinasok din kagabi ng rumaragasang tubig mula sa bundok dahilan para maantala ang klase ng mga mag-aaral.

No comments:

Post a Comment