Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tuloy na umano
ang pagdaong ng barkong “MS Legend of The Seas” ngayong Nobyembre 5, 2015 sa
isla ng Boracay.
Ayon kay Special
Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, tuloy na tuloy na umano ito
sa ikatlong pagkakataon.
Nabatid na dapat
noong nakaraang buwan ng Agosto 21 bibisita ang naturang barko ngunit nakansila
ito dahil kay bagyong Ineng kung saan apektado nito ang isla ng Boracay.
Kaugnay nito muli
umanong magtitipon-tipon ang mga Law Enforcer at ang Wallem Philippines na
siyang may hawak ng tour nito sa bansa sa Oktobre 29 para pag-usapan ang
paghahanda sa naturang barko.
Napag-alaman na
ang barkong “MS Legend of The Seas” ay may sakay na mahigit dalawang libong
turista at mahigit pitong crew kung saan dalawang daan nito ay purong mga
pinoy.
ANG “MS Legend of
The Seas” ay pagmamay-ari ng Royal Caribbean na may gross tonnage na 70,00,
decks na 11, length na 376 ft, maximum beam na 105 ft, drop na 24.5 ft at
crushing speed na 22-24 knots.
No comments:
Post a Comment